“There is more treasure in books than in all the pirate's loot on Treasure Island.”
~ Walt Disney
“There is more treasure in books than in all the pirate's loot on Treasure Island.”
~ Walt Disney
“Reading is to the mind what exercise is to the body.”
~ Joseph Addison

Si Leo ay ang nag-iisang tagapagmana ng kanilang pamilya, pero stress na stress na siya sa buhay. Bakit? Dahil gusto na ng kaniyang pamilya na magkaroon na ito ng asawa at anak. Ang problema—ayaw na ayaw ni Leo sa pag-ibig. Paano kaya niya malulusutan ang pressure ng pamilya kung sarado naman ang puso niya para sa kahit kanino?
Sa kabilang banda, si Mica naman ay literal na durog na durog ang puso. Matapos niyang mahuli sa mall ang boyfriend niya na may kasamang ibang babae pagkatapos ng limang taon nilang relasyon, ang mas masakit pa—nakita niya na lang sa isang Facebook post na kasal na pala ito noong araw na yun.
Ang isa, stress dahil pinipilit mag-asawa kahit ayaw sa pag-ibig; ang isa naman, brokenhearted dahil sa ex-boyfriend na biglang ikakasal na sa iba.
Sa gitna ng magulong sitwasyon na ito, paano kaya magtatagpo ang tadhana nina Leo at Mica? At paano nila mababago ang buhay ng isa't isa?