“Reading is dreaming with open eyes.”
~ Anissa Trisdianty
“Reading is dreaming with open eyes.”
~ Anissa Trisdianty
“A room without books is like a body without a soul.”
~ Cicero

Sa school, kilala si Ethan Reyes bilang isa sa mga pinaka-kinatatakutang estudyante.
Laging may pasa ang kamao niya, madalas nasasangkot sa gulo, at usap-usapan na miyembro siya ng isang gang. Kaya para sa karamihan, isa lang siyang problemadong binata na walang magandang kinabukasan.
Pero hindi nila alam ang totoong buhay niya.
Pag-uwi sa bahay, si Ethan ay isang mabait at responsableng kuya. Siya ang nagluluto, naglalaba, tumutulong sa assignments ng mga kapatid niya, at nagsisikap kumita para may makain ang pamilya nila.
Wala na kasi ang ama niya.
Matagal nang iniwan ng kanilang ama ang pamilya kaya napilitan si Ethan na maging haligi ng tahanan kahit estudyante pa lang siya. Para mapagamot ang may sakit niyang ina at mapag-aral ang mga kapatid niya, pumasok siya sa isang gang.
Hindi dahil gusto niya.
Kundi dahil wala siyang ibang pagpipilian.
Sa kabila ng magulong buhay niya, nananatili pa rin siyang Top 1 sa buong school.
Akala niya ay kakayanin niyang itago ang dobleng buhay niya habang buhay.
Hanggang sa dumating si Lysandra Valencia.
Ang maganda, matalino, at misteryosong transferee na lihim palang tagapagmana ng pinakamalaking gang organization sa bansa.
Sanay si Lysandra na lahat ay takot sa kanya.
Pero si Ethan?
Wala itong pakialam kung sino siya.
Habang mas nakikilala niya ang binata, mas nahuhulog ang loob niya rito.
Nakita niya ang tunay na Ethan—ang lalaking handang isakripisyo ang sarili para sa pamilya.
Pero may isang problema.
Ayaw ng pamilya ni Lysandra kay Ethan.
Para sa kanila, isa lamang siyang hamak na gang member.
At mas lalong hindi nila matatanggap na ang susunod na lider ng kanilang organisasyon ay umiibig sa isang simpleng estudyante.
Sa gitna ng gang wars, pagtataksil, at mga lihim na matagal nang nakabaon sa nakaraan, kakayanin kaya nilang ipaglaban ang pagmamahalan nila?
O magiging dahilan ang kapangyarihan para tuluyang paghiwalayin sila?
Where emotions become stories and stories become memories 📚💭 Writing pieces of heart, love, and dreams 💖