“Once you learn to read, you will be forever free.”
~ Frederick Douglass
“Once you learn to read, you will be forever free.”
~ Frederick Douglass
“A good book is an event in my life.”
~ Stendhal

Akala ni Althea, normal lang ang mabuhay sa takot.
Normal lang ang umuwi na may pasa.
Normal lang ang umiyak gabi-gabi habang hinihiling na sana hindi na siya magising kinabukasan.
Sa loob ng maraming taon, tiniis niya ang pambubully, pananakit, at pang-aalipusta ng mga kaklase niya. Wala siyang kaibigan. Wala ring nagtatanggol sa kanya. Hanggang sa dumating siya sa puntong gusto na niyang wakasan ang lahat.
Pero hindi niya alam na may isang taong lihim na nagmamasid sa kanya.
Si Athena—ang sikat, matapang, at kinatatakutang babae sa ibang eskwelahan. Lumaki siyang malayo kay Althea dahil sa isang lihim ng kanilang pamilya. Simula pagkabata, pinaghiwalay silang kambal dahil pareho silang sakitin at kinailangang ilayo sa isa’t isa para mabuhay.
Ngunit nang malaman ni Athena ang tungkol sa kanyang nawawalang kapatid, lihim niya itong hinanap. At sa oras na masaksihan niya kung paano durugin ng mga tao si Althea, may nagising na galit sa loob niya.
Galit na kayang sirain ang lahat.
Kaya gumawa siya ng mapanganib na plano—magpapalit sila ng buhay.
Habang itinatago si Althea sa ligtas na lugar, si Athena ang papasok sa eskwelahan bilang “mahina” at api-apihing estudyante. Ngunit hindi alam ng mga bully na ang susunod nilang bibiktimahin ay isang babaeng walang takot lumaban.
Isa-isa niyang pababagsakin ang mga taong sumira sa kanyang kapatid.
Pero habang lumalalim ang kanyang paghihiganti, may mga lihim ding mabubunyag—tungkol sa pamilya nila, sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila, at sa isang lalaking unti-unting nakakakita ng tunay niyang pagkatao.
Sa mundong puno ng kasinungalingan at sakit, hanggang saan kayang lumaban ng isang kapatid para iligtas ang isa pa?
Where emotions become stories and stories become memories 📚💭 Writing pieces of heart, love, and dreams 💖